• Krosword ni Gerry Gamurot
    Eh Kasi, Pinoy!

    Krosword

    ni Gerry Gamurot
  • Building Science by Norman Aceron Garcia
    Features

    Building Science

    by Norman Aceron Garcia

Published on

Pilantik ni Paquito Rey PachecoDisyembre 16 – 31, 2016

ni Paquito Rey Pacheco

Maligayang pasko at maunlad na Bagong Taon sa lahat ng mga sumusubay sa pitak na ito – gayon din sa aking matapat na mga kaibigan. Sana’y madagdagan pa ang ating mga hiniram na buhay.


Pagpasok ng January ay sisimulan nang ipairal ang bagong patakaran sa immigration ng Gobyernong Trudeau. Nabalitang higit na maluwag kumpara sa nakaraang federal Conservative government.


Tungkol naman sa Manitoba Provincial Nominee Program (MPNP), lumabas ang balita na magkakaroon ng $500 fee na babayaran ang mga aprubadong Nominees. Ito ay dagdag sa mga unang fees kaugnay ng pagiging permanent resident kung sa MPNP ang naging daan upang makapag-immigrate.

Medyo Malabo. Para lang ba ito sa principal na applicant? May fee rin ba ang mga kasamang family members ng nominee?

Lumilitaw na double head tax. May nakatakda na ang federal, pati ba naman ang province ay may dagdag pa?


Nagpahayag na ng opposition ang ilang mga MLAs – pero, papansinin kaya iyon ng mayoryang PC? Kailangang pagdebatihan para maging malinaw ang malabong issue tungkol sa bagong patakaran ng Manitoba sa pagtanggap ng nominees o skilled immigrants sa probinsiya.

Pilipinas

“Peace on Earth” ang mahalagang mensahe ng Pasko. Ang nakakalungkot, mga politiko ang nagpapagulo.


Tinawag na daw ni VP Leni Robredo sina former President Noynoy Aquino at Mar Roxas at iba pang natitirang nakaligtas sa nakaraang 2016 May election. Simula sa darating na Pebrero ay maaaring simulan na ng LP na silipin ang masikip na butas na dadaanan para makabalik sa kapangyarihan.


Ang nakaraang halos pitong buwan ng gobyernong Duterte na nais matupad ang pangakong pagbabago ay nahihirapang makausad. Sobrang problema ang iniwang pamana ng nakaraang administrasyon.


Hanggang ngayon ay hindi matanggap ng kaniyang mga kalaban sa politika ang kanilang pagkatalo. Sinisikap na maharang ang pinaiiral na sistema ng pangulo sa pamamahala ng gobyerno. May mga banta sa kaniyang buhay at kapangyarihan.


Dalawang pangunahing sanhi kaya hindi nagtagal ang political honeymoon ng president at bise presidente sa official family. Kontra si VP Leni Robredo sa Marcos burial issue at mga extra judicial killing na may kinalaman sa illegal drug trade.


Sariwa pa sa damdamin ng taumbayan ang malubhang problema na pinamana sa kanila ng nakaraang administration. Pinakagrabe ang illegal drug trade, peace and order at kabuhayang paralisado. Maraming nilabag na probisyon sa Constitution. Mayayaman at mga politikong ka-alyado ang pinayaman.


Sinabi ni VP Robredo na siya ang magiging tinig ng oposisyon para daw pakinggan ni PDU30. Magagawa daw niyang ang disorganized LP ay muli niyang mapagkakaisa.


Hindi daw siya naniniwala sa sinasabing pagtiyak ng president na walang motibong agawin ang kaniyang pagka-VP. Sinabing hindi na daw panahon ng pananakot. Panahon na ng pagtutuos at lakas ng loob.


Maghintay kayo, sabi naman ni President Duterte. Inuuna lang daw niya ang higit na kailangang ilagay sa ayos. Sa malapit na hinaharap, makikita ng kaniyang mga kalaban sa politika ang kanilang hinahanap.


Tama na. Sobra na ang kaguluhang nangyayari sa Pilipinas dulot ng mga sistemang umiral simula pa ng panahong magkaroon ng political independence. Alalahaning walang magulong bansa na naging tahimik at matatag ang kabuhayan ng mga mamamayan.


Marahil napapanahon na nga para mabago ang kasalukuyang sistema ng gobyerno na hinahangad ng Duterte administration. Federal system na ang panukala ay kailangang may patibay ang dalawang kapulungan ng kongreso. Subalit mahabang proseso. Baka nga hindi mangyari kahit sa six-year term ng Pangulo.


Bagaman mayorya ang Duterte supporters sa lower at upper Congress at kahit ang LP opposition ay sabog, may mga independent legislators din naman na maaaring makakaharang at makakaatraso sa proseso.


Christmas Recess ng mga kongresista at senador simula sa ika-16 ng December hanggang ika-16 ng January, 2017.

Katas

Ang resignation ni VP Leni Robredo sa Duterte’s official family ay higit ang positive effect na pabor sa vice president.

  • May ganap na siyang kalayaang punahin ang mga patakarang pinaiiral ng president at ng kaniyang mga tauhan sa gobyerno;
  • As titular head of the LP opposition Party, ang VP ay may sariling gastusin provided by taxpayers money na nakapaloob sa National Budget;
  • Salaping magagamit para maparating sa taumbayan ang kaniyang mga puna sa palakad ng gobyerno;
  • Ganap na ang kaniyang karapatan na harangin ang panukalang Federal-Parliamentary System ng gobyernong DU30;
  • Kailangan ‘yon sapagkat ang VP position ay maaaring mawala sa ilalim ng isang uri ng gobyernong Pederalismo.

Kasabihan

Ang gulo ay ayaw ng mga tao, pero sila rin ang gumagawa mismo.

Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Pilantik ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.

 Have a comment on this article? Send us your feedback