• Krosword ni Gerry Gamurot
    Eh Kasi, Pinoy!

    Krosword

    ni Gerry Gamurot
  • Building Science by Norman Aceron Garcia
    Features

    Building Science

    by Norman Aceron Garcia

Published on

Pilantik ni Paquito Rey PachecoDisyembre 1 – 15, 2016

ni Paquito Rey Pacheco

Ang gobyernong Trudeau ay nagbalita ng bagong patakaran sa mga nais maging Canadian immigrants. Partikular na pabor sa mga kabataan na may mataas na pinag-aralan. Pangunahing layunin ay mapatatag ang kabuhayan ng bansa

Kailangang matugunan ang pangangailangan ng labour market. Kabilang din sa bagong patakaran ang Family Class sponsorships for spouse/partner, mga anak, magulang, lolo at lola.

May taglay na negative effect din naman ang bagong patakaran ng Canada sa pandarayuhan. The exodus of brain drain, hindi lang sa Pilipinas kundi sa iba pang mga bansa.


Ang tinaguriang simbang-gabi sa Pilipinas ay ang misa sa madaling araw. Dito sa Winnipeg, bukod sa iba pang parokya, nabalitang sisimulan ngayon sa St. Anthony de Padua, 252 Burrin Ave. ang dawn masses tuwing ika-6 ng umaga mula sa ika-16 hanggang ika-24 ng Disyembre.


Ang mga nandayuhang TNT sa US ay maaari ngang pauuwiin sa kani-kanilang mga bansa. Ang illegal ay illegal subalit pinahintulutan ng mga may negosyo sa Amerika ang sistema.

Malubhang negative economic effect naman ang maidudulot sa US kung ang milyon-milyong illegal workers ay mapapaalis sa bansa. Producers sila at consumers of goods and services. Marahil, ang kinatatakutang sitwasyon ng mga TNT ay hindi kaagad-agad mangyayari.

Pilipinas

Ang drug money boom sa panahon ng Aquino Administration ay waring nag-boomerang. Si former DOJ secretary na ngayon ay senador ang unang tinamaan. Waring siya ngayon ay lulutang-lutang sa malalim at maalong dagat ng “dilema.”


Malabo pa rin ang tungkol sa positive effect ng pag-uusap nina President Duterte at Russian President Valdimir Putin. Ang maliwanag ay tungkol sa balitang inanyayahan si Pres. Digong na magbisita sa Russia.


Hindi na raw mangyayari ang nabalitang pag-uusig ng CCI kay president Duterte. Marahil produkto ‘yon ng banta ni pangulong Digong na makiisa sa China at Russia ang Pilipinas sakaling magtatatag sila ng ibang pandaigdig na organisasyon.

Ang US daw ay hindi ICC member, sabi ni President Digong. Kung totoo ‘yon, ang Pilipinas nga ay maaaring kumalas sa nabanggit na samahan kung siya’y gigipitin.


Pagkatapos na sabihin ni Pres. Duterte na wala siyang hinanakit kay former president PNoy, hindi naman napigilan na sisihin. Malubhang problema ang iniwan ni Noynoy sa bansa. Pangunahin ang tungkol sa lawlessness at illegal drug trade.


Tama ang mungkahi ni Sen. Ralph Recto na ang Calamity Fund ng gobyerno ay dapat na magamit din sa mga nasunugan. Sinabing ang mga nasalanta ng bagyo ay may natitirang ari-arian tulad ng bahay. Ubos lahat ang nilamon ng apoy.


Nalibing na ang labi ng former president Marcos, Sr. Nangyari sanhi sa pahintulot ng mayoryang kagawad ng Korte Suprema. Wala raw legal na basehan para ang paglilibing sa LNMB ng labi ni Marcos, Sr. ay mapigilan.

Sinabi ni Pres. DUterte na ang mga tumututol sa Marcos burial ay wala nang halaga sa kaniya. May 12 taon daw na may pagkakataon ang mag-inang Cory at Noynoy Aquino na maamyendahan ang batas, hindi nila sinikap.

Naglunsad ng demonstrasyon sa Luneta noong ika-25 ng Nobyermbre ang mga against Marcos burial sa LNMB. Mahigit 10 libo raw ang nabalitang nakiisa. Karamihan ay mga estudyante sa mga kolehiyo at unibersidad.

May 200 na mga kabataan naman na Duterte supporters na pabor sa ginawang tahimik na paglilibing. Kasama sila ng mga Marcos loyalists na binukod ng mga pulis ang lugar para maiwasan ang gulo.


Si Senador Kiko Pangilinan ay nangakong gagawa sila ng mga paraan para mahukay sa LNMB ang bangkay ng Marcos, Sr. Sabi ng mga kritiko, waring fully charged ang baterya ng ngayo’y president ng Liberal Party.


May mga official family members ng DU30 administration na tutol daw sa mga palakad ng president. Kung gayon, ang pangulo pala ay sleeping with many enemies. Kung salungat sila sa mga palakad ni PDU30 at may delicadeza, dapat resign na. Halimbawa raw ang pagtutol ni VP Leni Robredo sa Marcos burial issue. Pinatamaan pa ang pangulo. Hindi raw kailangan ngayon ang diktadorya, maling hustisya at walang galang sa mga kababaihan.


Kung hindi naman mangyari sa taong ito, dalawang mahistrado ng korte suprema ang obligadong magretiro. Sina Jose Perez sa December 14 at Arturo Brion sa December 29th. Sa 2017, dalawa rin. Bienvenido L. Reyes, July 6 at Jose Mendoza August 13. Ang magtatalaga ng kapalit nila ay si PDU30.


Ang mga testimonya nina Ronnie Dayan at Erwin Espinosa ang nagsisilibing 20 talampakang pader ang taas na aakyatin at magpadausdos sa kabila, para ang usaping nakahain vs senadora Leila de Lima ay kaniyang matakasan.

Ang senaryo ay walang iniwan sa karaniwang telenovela. Susundan ng taumbayan at magiging entablado sa grandstanding ng mga kongresista at senador.

Kasabihan

Kung ano ang tinanim, aanihin ay gayon din.

Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Pilantik ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.

 Have a comment on this article? Send us your feedback