• Krosword ni Gerry Gamurot
    Eh Kasi, Pinoy!

    Krosword

    ni Gerry Gamurot
  • Building Science by Norman Aceron Garcia
    Features

    Building Science

    by Norman Aceron Garcia

Published on

Pilantik ni Paquito Rey PachecoNobyembre 16 – 30, 2016

ni Paquito Rey Pacheco

May pag-asang bumaba ang domestic fare sa eroplano. Niluwagan ng Trudeau government ang mga patakaran sa foreign investments with Canadian airline companies. Hanggang 49 per cent shares of ownership for foreign investors ang pinayagang mamuhunan.


Ang resulta ng 2016 US presidential election ay waring kaparis ng sa Pilipinas. Pagbabago ang hinahangad ng mayoryang bilang ng mamamayan. Nakuha ng President-elect Donald Trump ang 306 from 538 Electoral College votes, 232 naman ang kay Hillary Clinton.

May naganap na mga kilos protesta laban sa tagumpay ni Trump. May pitong lungsod ang involved. Immigration issues ang tema. Hinahanda na rin ang magiging kagawad ng Trump’s executive departments.

Sa Ika-20 ng January, 2017 ang inagurasyon ng ika-45 na pangulo ng USA. Ang lower at upper chamber ng lehislatura ay kapuwa kontrolado ng Republicans.

Pilipinas

Isa pang pangako ni Pres. Duterte ang natupad. Sinikap niyang makabalik ang mga mangingisdang Pinoys sa Scarborough Shoal. Isa sa produkto ng nakaraang China trip ng pangulo sa China. Sana’y magpatuloy ang nangyayari ngayon.

Ang pagbisita ni President Digong ay nagresulta sa iba’t ibang reaksiyon. Hindi naibigan ng mga officials sa Washington at maging ng mga Filipinong tumatanaw ng utang na loob sa USA.

Tinanggap ni Pres. Duterte ang resignation ni former president Fidel V. Ramos. Iginagalang daw niya ang karapatan ni FVR. Sinabing iba raw siya, kumpara sa former president. Siya ay sa Pilipinas nag-aral, sa US si FVR.

Sa simula pa lang, ayon sa mga kritiko ay inasahan na nila na magkakahiway sina President Digong at former Pres. Fidel. Magkaiba raw sila ng interest. Ang priority ni DU30 ay mabigyan ng pagkakataon ang mga Filipino na maging maayos ang kanilang kabuhayan. Si Tabako ay pagtanaw ng utang na loob sa US.


Sinabi ni DU30 na hindi na kailangan ang coup. Makipag-usap na lang sa kaniya. Pakakapehin pa sila. Aalis na ako, sabi ng pangulo. Alam daw niyang may mga sundalong sa US nagsipag-aral. Sinabi naman ng mga opisyal ng military na hindi totoo ang coup. Ingay lang daw ‘yon.


Ang pananakot sa gobyernong Duterte na ang mga kapitalista ay maglalayasan sanhi ng pinaiiral na patakaran ng pangulo ay waring hindi totoo. Maraming ambassadors ng mga bansa ang bumibisita sa Pilipinas. Pinangunahan mismo ng EU Ambassador Franz Jessen.

May 14 Ambassadors ang nagsadya sa Maynila. Nais daw mamuhunan sa Pilipinas. Sila ay mga kinatawan from the United Kingdom, France, Germany, Italy, Spain, Belgium, Czech Republic, Greece, Austria, The Netherlands, Romania, Denmark, Hungary at Sweden.

Marami pang mga bansa na kapanalig at hindi ng US ang patuloy na nagbibisita sa Pilipinas. Inaalam ang mga larangan na maaari nilang pasukan sa Pilipinas, ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez. Kung gayon, waring hindi rin totoo ang inaakala ni FVR na ang bansa ay papalubog na barko.

Karaniwang punterya ng foreign investors sa bansa ang mga larangan ng infrastructure, energy, civil securities, agricultures at iba pang mga larangang pangkabuhayan. Investors from Japan and South Korea ang aktibo ngayon sa Philippine infrastructure projects.

Natural lang na kung hindi magulo ang bansa at walang masyadong red tape, maraming mamumuhunan. Maraming mabibigyan ng trabaho. Sa 1987 Philippine Constitution, 40 per cent foreign, 60 per cent Filipino ang pinapayagang mamuhunan.

Sanhi sa nangyaring kapabayaan sa pamamahala at corruption practices among government officials, kahit ang karaniwang negosyo ay napapaikutan. Halimbawa ang mahinang Anti-dummy Law. Nakakapasok at nagkakapagtrabaho sa Pilipinas ang mga illegal alien.


Lumulutang na ang umano’y plano ng dilawang partido na muling makabalik sa kapangyarihan. Humihingi ng tulong sa ibayong dagat na ang layunin ay mapatalsik si PDU30 sa Malacañang. Nabalitang ang kampanya ay sisimulan sa Pebrero 2017. EJK na isyu sa droga at independent foreign policy ang baraha.

Si Sen. Leila de Lima ang nabalitang pangunahing naghahatid ng mga balita tungkol sa EJK na kampanya laban sa droga at foreign relations ng gobyernong Duterte. Hindi dapat magtaka. Nakaharap ngayon sa malubhang dilemma ang senadora.

Nagharap na siya ng reklamo sa Korte Suprema vs Pres. Duterte. Sobra na raw ang pagmamalabis sa katungkulan ng pangulo. Pati ang kaniyang pagka-babae at personal na buhay ay pinanghihimasukan.

Nakatakda naman na si Sen. De Lima ay ipatatawag na ng DOJ, gayon din ang iba pang umano’y sangkot sa New Bilibid Prison narcotic trafficking. Ang proseso ay alamin kung may probable cause na dapat ituloy ang paglilitis sa kaso.


Ang halos 25 taong issue tungkol sa paglilibing ng labi ni former president Marcos, Sr. ay tinuldukan na ng Korte Surema. Una nang giniit ni former senator Juan Ponce Enrile na pinahihintulutan ng batas ang Marcos burial sa LNMB. Magkaiba ang panuntunan ng dalawang nagrebelde vs Marcos. Batas ang kay JPE na dapat masunod. Pansarili ang kuro ni FVR.

Ang protesta ay nakatuon sa mga kasalanan ng former president sa taumbayan noong panahon ng Martial Law. Dapat daw ang mga naulila niya ay humingi ng paumanhin. Bakit naman sila daw magpapaumanhin? Sino ba ang nagkasala?

Katas

Kung natatandaan pa ninyo, ang huling trip ni former president Marcos sa China maraming dekada na ang nakaraan, siya ay nanawagan na ang mga bansa sa Silangang Asya ay kailangang magkaisa. Hindi nagtagal. Pinatalsik siya sa Malacañang. May kani-kaniyang komento. Ang iba ay walang kuwenta.

  • Humigit-kumulang sa 40 years hanggang noong 1972, ang China at Japan cannot see eye to eye. Naging matatag ang kanilang kabuhayan at depensa nang kapuwa pairalin nila ang independent foreign policy.
  • Maliban kay Erap, sobra ang sipsip sa US ng mga naging pangulo. Nadiskaril ang kabuhayan ng bansa sa pagitan ng mayayaman at mahihirap.
  • Milyones na dollar na tulong ang naging bunga ng nakaraang trip ni Digong sa China at Japan. Pati mga investror mula sa EU ay nagkaroon ngayon ng interest na mamuhunan sa Pilipinas. Masama ba ‘yon?

Kasabihan

Subukan ang santong-dasalan bago ang ibang paraan.

Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Pilantik ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.

 Have a comment on this article? Send us your feedback