• Krosword ni Gerry Gamurot
    Eh Kasi, Pinoy!

    Krosword

    ni Gerry Gamurot
  • Building Science by Norman Aceron Garcia
    Features

    Building Science

    by Norman Aceron Garcia

Published on

Pilantik ni Paquito Rey PachecoNobyembre 1 – 15, 2016

ni Paquito Rey Pacheco

Ang mga scientists ay nagbabala sa mga west coast residents ng US at Canada. Sinabing ang lugar ay kasama sa ring of fire na maaaring makaranas ng malakas na lindol ano mang oras.


Sa 2017, may mga bagong patakaran sa pagbili ng bahay. Ang mga bumibili ng halagang $500,000 ay hihingan ng minimum downpayment na 10 per cent. Ang mababa sa nabanggit na halaga ay 5 per cent pa rin. Sumangguni sa mga realtors kung nais maliwanagan ang iba pang mga pagbabago.


Sa ika-8 ng Nobyembre, malalaman na ang loser-winner alinman kina Clinton at Trump. Si Hillary ay leading sa national polls. May mga states naman tulad sa Florida na pabor kay Donald.


Kontra si Trump sa umiiral na North American Free Trade. Sinabing NAFTA ang sanhi ng unemployment sa USA. Sa ibayong dagat daw kasi dinala ng mga kapitalista sa US ang kanilang negosyo. Nakabaon ngayon sa utang ang US sa China. Labour vote ang pag-asa ni Trump para makaungos kay Clinton.

Pilipinas

Ang gobyernong Duterte ay patuloy na nakakaranas ng mga pagsubok sa kakayahan ng pangulo na nagsisikap matupad ang kaniyang mga pangakong pagbabago. Sa ngayon, ang kinabukasan ng pamumuhay sa lupang itinalaga ng Diyos sa mga Filipino ay hindi malinaw kung saan patungo.


Sa loob at labas ng bansa ay kumakalat ang mga negatibong kritisismo laban sa liderato ni PDU30. Partikular ang tungkol sa declared war against illegal drug. Ang US ay sobrang selos sa China na nangako ng pangkabuhayang tulong sa Pilipinas.


Ang Independent foreign policy at foreign relations ay nasa Konstitusyon. Sinisikap ni Duterte ang pantay na pakikipagrelasyon sa mga bansa na ang hangad sa Pilipinas ay hindi maipit sa gulo. Iba ang dating na mensahe sa mga opisyal na nasa Washington. Nais daw sila ang manatiling amo.


Ang mga sundalong Filipino lamang ang nais ni DU30 at walang military exercises with super powers tulad ng China, US at Russia. Alam niyang ang Pilipinas ay walang kakayahang makilahok sa South China Sea disputes. Masama ba ‘yon?


Sa nakaraang pagbisita sa Japan at pakikipag-usap kay Prime Minister Shinzso Abe, hindi napigilan ni Duterte ang kaniyang saloobin sa kasalukuyang mga Washington officials. Naintindihan daw naman niya ang reklamo ni Pres. Duterte.

Ang Japan ay hindi raw makikialam sa relasyon ng US at Philippines. Sa halip, kapuwa nangakong kanilang ipagpapatuloy ang peaceful settlement sa South China Sea dispute. Nangako din ang Japan PM na tutulungan ang Pilipinas sa larangan ng mga isyung pangkabuhayan.


Sabi ng mga kritiko, bakit daw si VP Leni Robredo ay hindi na naman naging caretaker sa Malacañang? Naku, huwag kayong mainip. Hintayin na lang na si DU30 ay mapatalsik sa kapangyarihan. Happy days will be there again sa mga kasapi ng dilawang partido.


Nais ng pangulong Duterte na wala nang foreign military troops pagkaraan ng dalawang taon. Five Philippine Military bases ang pinagamit ng gobyernong Aquino sa mga tropa ng US na maaaring may taglay na sandatang nuclear na tinakda sa Konstitusyon ng Pilipinas.

Tila si Sen. Bam Aquino ay hindi rin binasa ang nilalaman ng Konstitusyon tungkol sa separation of power and responsibilities ng tatlong sangay ng gobyerno. Kasi, dapat daw imbitahan si President Duterte sa senado tungkol sa pinaiiral na foreign policy. Kung baga sa bata, marahil may gatas pa ang labi ng senador.


Nakalutang na ngayon ang pangarap ng dilawang LP. Humihingi na ng saklolo sa mga bansang sinandigan ng gobyernong Aquino. Pinakakasuhan na si PD30 sa International Criminal Court. Ang pagkakataon ay malaon nang hinihintay ng kanilang lady kingpin, Leni Robredo.


Ayon kay PDU30, maluwag daw naman niyang tatanggapin kung siya, sa anong mang paraan ay mapatatalsik sa katungkulan. Hindi siya natatakot. “Ano man ang mangyari, that is my destiny na talaga ng Diyos for me,” sabi ni Pres Duterte. Opo naman, pero saan kaya patungo na naman ang kinabukasan ng bansang itinalaga ng Diyos para sa mga Filipino?


Ang American Chamber of Commerce of the Philippines umano ay kasama daw na nagbabala sa administrasyong Duterte. Iiwasan daw ng mga kapitalista ang Pilipinas sanhi sa mga patakarang pinaiiral ng gobyerno.

Nanakot na naman. Naala-ala ko tuloy ang mga nangyari noon. May babalang ganiyan din. Ako’y estudyante sa FEU at kabilang noon ng isang kilusan. The Nationalization Movement of the Philippines. Mahabang salaysayin pero kahit buod lang ng mga pangyayari ay nais kong ipaalam, lalu na sa mga sinilang noong 1949-1980s.

Ang former president Carlos Garcia na humaliling pangulo sa former president Ramon Magsaysay, Sr. ay nagdeklara ng Filipino First Policy for the Philippine’s Commerce and Industries. Nakapasa sa kongreso ang panukalang batas, known as R.A 1180 The Nationalization of Retail Trade in the Philippines.

Ang Nationalista Party ni Pres. Garcia ay tinalo ng Liberal Party ni former president Diosdado Macapagal. Nangako si Cong Dadong na kaniyang ipatutupad ang R.A 1180. The first foreign trip ni Pres. Macapagal ay sa US. Noon nagsimula ang mga mass rally ng mga estudyante mula sa tinaguriang university belt ng Maynila at UP Diliman.

Isang seksiyon sa Department of Commerce and Industry na only about 10 personnel ang inatasan at binigyan ng responsibilidad na ipatupad ang nilalayong ng RA 1180. Nabigo dahil sa patuloy na paghadlang ng American Chamber of Commerce at Chinese Chamber of Commerce ng Pilipinas.

Katas

Ang mga makabayang probisyon ng 1987 Constitution ay nabanggit ko na sa nakaraang pitak na ito. Kabilang ang isa na muli kong ipaaalala na minamasama naman ng iba.

  • Sa Article II, Declaration Of Principles And State Policies, Sec. 7, The State shall pursue an independent foreign policy. In its relations with other states the paramount consideration shall be national sovereignty, territorial integrity, national interest and, the right to self-determination.
  • Sanhi ng sobrang politika, ang pinalutang ni PDu30 na makabayang probisyon ng Konstitusyon ay hinaharang naman ng minoryang political party.
  • Ang nais ng Pangulo ay makipagkaibigan sa ibang mga bansa. Pantay na pagtrato para sa nais na katahimikan. Magkakaroon ng maayos na kabuhayan ang mga mamamayan.
  • Nagsadya siya sa China, hindi para makipag-away. Gayon din ang hangarin ng nakaraang pagbisita sa Japan. Baka susunod sa Russia, EU at marahil sa US pagkaraan ng kanilang presidential election. Masama ba ‘yon?
  • Niliwanag ni PDU30. Hindi niya pinutol ang Philippine-US relations. Katunayan, may Philippine Embassy at consulates pa rin ang Pilipinas sa USA. Maraming Filipino ang naroon na nangangailangan ng paglilingkod.

Kasabihan

Ang mga balitang kalat, kung totoo man, marami ang dagdag.

Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Pilantik ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.

 Have a comment on this article? Send us your feedback