• Krosword ni Gerry Gamurot
    Eh Kasi, Pinoy!

    Krosword

    ni Gerry Gamurot
  • Building Science by Norman Aceron Garcia
    Features

    Building Science

    by Norman Aceron Garcia

Published on

Pilantik ni Paquito Rey PachecoOktubre 16 – 31, 2016

ni Paquito Rey Pacheco

Pinaalala ng federal LP na ang gobyerno ay hindi magbabayad ng ransom para palayain ang sino mang Canadian na binihag sa ibang bansa. May abiso na sa ating lahat ang gobyerno kaya iwasan ang magtungo sa mga lugar na hindi dapat na puntahan.


Ilang araw na lang ang nalalabi sa 2016 US presidential derby. Insultuhan ang naganap sa pangalawang Clinton-Trump presidential debate. Nagtalo ang dalawang kandidato kahit sa mga bagay na walang kabuluhan.

Pilipinas

Pinipili na ng gobyernong Duterte ang mga itatalaga for ambassadorial positions. Ang Pilipinas ay may 60 embassies, apat na permanent missions at 20 consulate-general offices. Ang apat na permanent mission ay nasa Associations of Southeast Asian Nations, United Nations, World Trade Organizations, at International Organizations. Lahat ay kailangang may patibay ng Commission on Appointment.

Ang former Makati Rep at journalist Teodoro Locsin, Jr. ang na-appoint sa UN. Sa mga ambassadors: Marciano Paynor - US, Jose Laurel - Japan, Philippe Lhullier - Spain, Chito Santa Romana – China, at Charles Jose - Malaysia. Sana, mga career persons at hindi mga “political accomodations” ang matalaga sa puwesto.


Sinabi ni President Duterte na wala daw pirma si former president Benigno Aquino III sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ng Pilipinas at Amerika. Ang nakapirma sa April 28, 2014 agreement ay si former Secretary of Defense, Voltair Gazmin at isang aide. Si Defense Secretary Ashton Carter at US Ambassador sa Pilipinas, Phillip Goldberg ang sa US.

Nabalita noon, ang former Senators, Miriam Defensor Santiago at Rene Saguisag ay nagharap ng petisyon sa Supreme Court laban sa EDCA. Nabigo nang dineklarang constitutional ito ng Korte Suprema.


Hindi basta mapapatigil ngayon ang joint military exercise ng mga sundalong Filipino and American. Magdadaan muna sa tamang proseso kung hahangaring mapawalang bisa. Five Philippine military bases ang pinagagamit ng Aquino administration sa US military forces.


Waring hilaw ang nilutong kasunduan, ayon sa mga kritiko. Hindi daw kasi maliwanag kung nasunod ang probisyon ng 1987 Constitution tungkol sa mga armas na pinagbabawal magdala ng US military forces sa Pilipinas.


Alinsunod sa State Policies, Article II, Sec. 8 ng Constitution: The Philippines, consistent with the national interest, adopts and pursues a policy of freedom from nuclear weapons in its territory. Kung nasunod, constitutional nga ang deklarasyon ng Supreme Court. Iba nang usapan kung hindi.


Masyadong maaga pa para ang pangulo ay mahatulan nang negatibong kakayahan sa pamamahala. Partikular ang issue vs illegal drug campaign at independent foreign relations. Dapat mabigyan ng sapat na panahong maipakita ng pangulo ang kaniyang kakayahan sa pamamahala.

Hindi sapat ang 100 days para malutas ang grabeng minanang problema. Ang nagawa ng gobyernong Duterte ngayon laban sa peace and order at illegal drug campaign ay ikumpara ninyo sa nakaraang anim na taon ng Aquino administration.


Sa totoo lang, ang opinion ng mga Filipinong nasa ibayong dagat ang higit na credible, not the perception ng mga walang dugong Filipino. Sang-ayon man sila o hindi sa palakad ng gobyerno ni Pres. Duterte – ang importante ay ang opinion ng mga Pilipino.


Ang mga kritiko sa ilalim ng demokratikong gobyerno ay may karapatan sa malayang pagpuna tulad ng dilawang political party na pinamumunuan ng lady kingpin, Leni Robredo. Kasama umano sa paninira kay PDU30 ang Makati’s business groups, oligarchs at biglang-yamang politicians.

Ang kanilang hangarin umano ay mapatalsik si Pres. Duterte sa puwesto. Sila ang parang mga suki ng political telenovela na ang iba, hinuhulaan na ang ending, hindi pa tapos ang istorya.


Ang dilemma sa liderato ni President Duterte ay ang hindi daw mapigilang mga pananalita na kaparis noong panahon ng wild-wild West. Sensationalized ang pinalalabas ng mga foreign media for their own interest.

Sinisikap ni Pres. Duterte na mabigyan ng solusyon ang malubhang problemang dulot ng illegal drug na napabayaan ng mga nakaraang administration. Ngayon ay lampas na sa hangganan nang walang balikan ang kampanya laban sa droga ni PDU30.


Nabanggit ko na sa pitak na ito noong nakaraang labas na ang basta pagtanggi ni Sen. Leila De Lima sa alegasyong siya ay sangkot sa NBP drug money ay hindi matibay na sandigan. Nagiging hysterical na. Kasi waring wala ang all-out support na hinihintay mula sa kaniyang mga kasama sa dilawang partido. Nagpapaawa.

Nanawagan sa taumbayan na siya ay tulungan. Si Sen. Trillanes na lang yata ang umaalalay? Ngayon, nasa DOJ na ang kaniyang kaso. Doon niya ipakita ang mga ebidensya at hindi puro dakdak sa harap ng media para makakuha ng simpatya.


Minungkahi ng mga ekonomistang opisyal ng Duterte administration na simulan na ang industrialization program. Ang layunin ay para daw magkaroon ng trabaho ang mga tao. Gayunman, ang higit na kailangan ngayon ay unahin ang kabuhayan ng mga nasa rural na pook ng bansa.

Ipagpatuloy ang pagpapagawa ng mga pambansang lansangan, feeder roads, dams na imbakan ng tubig, irrigation canals at cottage industries. Alalahanin ang kasaysayan ng Japan. Bago naging industrialized – farms and cottage industries ang inuna.


Kaparis ng nasa 1987 constitution, Article II, Sec. 19: “The State shall develop a self-reliant and independent national economy effectively controlled by Filipinos.” Sa Article II, Sec. 21 naman: “The State shall promote comprehensive rural development and agrarian reform.”

Maliwanag na ang mga makabayang probisyon ng Konstitution ay kinalimutan ng mga nagpapanggap na nagmamahal sa kaniyang bayan. Sanhi sa umiiral na globalization, hindi mga kapitalistang Filipino, bagkus ay foreign capitalists ang pangunahing makikinabang sa planong industrialization.


Tungkol sa nais ni President Duterte na ipatigil ang joint US-Philippine military exercises sa West Philippine Sea ay dahil naghahatid daw ng wrong signal sa Beijing. Ayaw din niyang ang mga Filipino ay maging collateral damage sakaling magsukatan ng lakas ang dalawang super powers.

Ang Independent Foreign Policy na pinatutupad ni President ay patuloy na inaatake gayung sinusunod naman ang nakasaad sa Konstitusyon. Karamihan ay kilalang mga Amboy. Washington ang palaging inaasahan na ang akala sa Pilipinas ay nananatling kanilang kolonya. Nais ni PDU30 na maging kaibigan hindi lang ang Amerika.


Nakisawsaw na nga si VP Leni Robredo. Sinabing dahil sa paninindigan ni President Duterte, maaaring maging dahilan na mawala ang mga foreign aid at investment. Ganiyan din ang pananakot ng mga kalaban sa politika ni PDU30. Sinupalpal naman. Sinabi kay Mrs. Robredo. Piliin alin sa dalawa, foreign aide or masira ang kinabukasan ng mga kabataan sanhi ng droga? Ano nga ba ‘yan? Nang mahirang na kagawad ng gabinete, sabi’y makikipagtulungan siya sa administrasyon ni Pres. Duterte. Ngayon, tila nga may plan-B?

Katas

Ang mga pangyayari sa 100 days ng former Davao City mayor na ngayo’y president ay makulay na tanawin sa buhay ng isang pinunong makabayan.

  • Palaging kulang ang mga nakalaang oras na layong matugunan ang mga dapat gawin para sa kaniyang bansang minamahal.
  • Hinamak ang dating pribadong karaniwang kilos ng pamumuhay alang-alang sa katahimikang pambansa at pangdaigdigan.
  • Kung baga sa beterinaryo, hindi lang hayop na ginagamot ang hangad niyang masiyahan kundi kailangang pati amo.
  • Halos walang oras para makakain. Nalulungkot hanggang makatulog.
  • Hindi mapalagay dahil bawal nakasarado ang pinto ng silid na tinutulugan.
  • Paglabas, marami nang problemang naghihintay na kailangang malutas.
  • Ang kaniyang buhay at katungkulan ay palaging nasa panganib na kalagayan.

Kasabihan

Walang malaking nakakapuwing, walang maliit na nakakahirin.

Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Pilantik ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.

 Have a comment on this article? Send us your feedback