• Krosword ni Gerry Gamurot
    Eh Kasi, Pinoy!

    Krosword

    ni Gerry Gamurot
  • Building Science by Norman Aceron Garcia
    Features

    Building Science

    by Norman Aceron Garcia

Published on

Pilantik ni Paquito Rey PachecoEnero 16 – 31, 2017

ni Paquito Rey Pacheco

Humigit-kumulang, tatlong buwan na lang ang ating pagtitiis sa panahon ng taglamig. May pinalabas na babala ang City of Winnipeg. Iwasan, hangga’t maaari, ang going outdoors and traveling during extreme weather sa labas ng city.


Ang yearly NDP meeting ay nakatakda sa darating Marso. September naman nakaumang ang convention na ang layunin ay pumili ng opisyal na lider ng partido.

Waring maikli ang nabanggit na panahon para makapili ng possible solution sa kasalukuyang problema ng dapat maging leader ng partido. Ang mga inaakalang karapat-dapat ay tila hindi interesado.

Pilipinas

Simula sa susunod na buwan hanggang matapos ang unang taon ng Duterte administration, baka malalaman na ng taumbayan ang hinaharap ng bansa sa ilalim ng liderato ni President Duterte. Hiniling ng pangulo sa mga mamamayang Filipino na tulungan siya sa war against illegal drug trade, criminality and corruption. Sinabing kung walang tulong ang taumbayan, mananatiling problema na makamit ang hinahangad na katahimikan at kaunlaran ng bansa.


Simula noong si Vice President Robredo ay sinabihan na hindi na siya kailangang dumalo sa mga panayam ng gabinete, nag-umpisa nang naging laman ng mga usapan sa mga barberya ang maruming politika. Nagbitiw na agad as member of DU30’s official family si Vice President Leni Robredo

Nagpahayag kaagad ng kaniyang saloobin tungkol sa liderato ng Pangulo. Sabi ni Ms. Robredo, hindi na ngayon ang oras ng pagtatakip, oras na ng paghatol, oras na ng katapangan.

Inamin ni Ms Robredo na may dalawang okasyon na nagkausap sila ni Philip Goldberg, ang fomer US Ambassdor sa Pilipinas. Hindi daw naman nila napag-usapan ang tungkol sa blueprint na ang layunin ay mapatalsik si Pres. Duterte sa katungkulan. Mula nang manggaling sa US from family reunion, waring naiba ang estilo. Halimbawa ang kaparis ng sinabi ni Ms Robredo na hindi makakabuti sa Pilipinas ang pagpapatalsik sa pangulo. Hindi raw siya sumasali sa mga rally against the President na katulad ng isyu sa former President Marcos burial. Subalit ang lumabas niyang mga pahayag ay waring kabaligtaran ng kaniyang mga sinasabi.


Inaalam ngayon ng Malacañang kung totoo ang alegasyong lumabas sa social media na tinaguriang Lenileak. Ang pinagbatayan umano ay hango sa e-mail conversations na may kinalaman sa planong pipilitin ang resignation ni Pres. DU30.


Ang kampanyang pagbibitiw ng Philippine president ay pinangungunahan daw ng Global Filipino Diaspora Council na Fil-Am loyalists ng partido ni former president Aquino. Kabilang sa mga miyembro ng GFDC ang dalawang bilyonaryang backer umano ni Ms. Robredo. Ang nagbulgar naman umano ng Lenileak ay mga pro-DUterte bloggers. Ang “Thinking Pinoys,” mga Fil-Am din na sa US naninirahan.

Labis-labis ang patanggi ni VP Robredo na kasama siya ng sinasabing kilusan na naghahangad ng forced resignation ni Pangulong Digong. Sinabi ni Presidential Communication Secretary Martin Andanar na iyon ay isang siryosong alegasyon na kailangan ang masusing imbestigasyon.

Hindi naman nag-aalala ang ibang mga nasa Malacañang. Kasi, kung sa ngayon lang, si President Duterte ay mahirap mapatalsik sa kaniyang katungkulan. Gusto siya ng mayoryang taumbayan. Mataas pa ang popularidad ng pangulo kumpara kay Vice President Leni Robredo.

Aba, sakaling nanaisin ng LP na makabangon at maging credible opposition party, ang nasirang relasyon ng Maynila at Washington ay maaari din nilang magamit against DU30. Hindi naman kaila kasi na si Pres. Duterte at outgoing US President, Barack Obama ay naging mainit sa isa’t isa.


Naalala ko tuloy ang sinabi noon ng Former US President George W. Bush. Maraming paraan para balatan ang pusa. Halimbawa, ang magtanim ng tao mismo sa gobyerno ng bansa na nais nilang guluhin. Ngayon, wala bang enemy sleeping with the official family of Pres. DU30?

Before Christmas, nabalitang four Bicolana liders na supporters ni VP Robredo ang nagkita-kita sa US. Nagplano umano ng mga paraan kung paano si President Duterte mapipilitang mag-resign.

Bago namaalam ang 2016, si president DU30 ay nagbantang paduduguin daw niya ang ilong ng mga taong manggugulo sa kaniyang pamamahala. Baka matagal nang alam ni Digong ang tungkol sa GFDC kaya sinabihan si VP Robredo na hindi na siya kailangang dumalo sa cabinet meetings.

Ngayon ay sariwa pa rin ang balita na simula sa darating na Pebrero ay magkakaroon na ng mga street demonstrations na paninira sa liderato ng Pangulo ang motibo. Alam ni Digong kung ginagago siya ng kaniyang mga kausap. Kaya naman pa-gago din ang kaniyang pagsagot.

Ang balitang plano na anyayahan sa kongreso ang US embassy officials ay pag-aaksaya lang ng panahon at tax-payers money. Walang mapipiga sa kanila. Hindi naman bago ang palagay sa kanila ni Pres. Digong. Alam din ng maraming mamamayan na ang mga foreign embassy ay satellites ng kani-kanilang bansa.


Ang bagong Donald Trump administration ay magsisimula sa ika-20 ng kasalukuyan sa US Congress. Bagaman ang relasyon ng Maynila at Washington ay napunit sa panahon ng Obama administration, baka naman maaari pa daw na maitagni ng Trump administration.

Hindi maitago ni DU30 ang sama ng loob sa mga naging US president na ang tingin nila sa mga Filipino ay alipin. Akala nila, ang Pilipinas ay territory pa rin nila. Kasi nga, may mga Amgirl at Amboy na naging pangulo ng Pilipnas.


Sa kabila ng order noon ng PET sa Comelec, to protect all election machines at paraphernalia na ginamit sa VP race after Marcos camp protests noong June 29, 2016, lumabas ngayon na ang SC ay hindi ginagalang ng Comelec chairman. Hindi napigilan ng Supreme Court, en banc as PET si Comelec Chairman Andres Bautista. Sinoli rin daw ni Chairman Andres Bautista sa Smartmatic ang mga poll materials na ginamit sa 2016 vice presidential race.

Kahit mapatunayang may malaking pananagutan ang Comelec Chairman sa kaniyang action for denying the electorate rights, ano naman ang parusa? Mag-sorry lang, then resign tapos na?

May kasabihang “malapot ang dugo kumpara sa tubig.” Alalahaning si former president Aquino na umano’y pinsan ni Andres Bautista ang nag-appoint sa kaniya sa Comelec.

Ang hinala ng mga kritiko, maliwanag daw na maaaring sadyang iniwasan ni Chairman Bautista na mangyari ang vote recount sa lugar na pinagbabasihan ng Marcos camp protests?

Partikular ang resulta ng botohan sa 29,221 clustered precincts sa 25 provinces at limang cities na may nine million votes. Gayon din ang hiling na pawalang saysay ang votes from Lanao del Sur, Basilan and Maguindanao provinces.


Maliwanag na hindi happy ang dulot kay Sen. Leila de Lima ng Bagong Taon. Patung-patong na kaso ang nakadagan sa kaniya na may tiyak na patutunguhan. Malaya siyang magsabi ng kaniyang mga saloobin subalit parang sa hangin at pader lang nakakarating. Maaaring naalala niya ang magandang sikat ng araw noong siya ang nasa kapangyarihan. Ngayon, kaparis ng madilim na gabing kahit alitaptap ay nagkakait sa kaniya ng ilaw. Ingat lang sana siya. Waring nasa gilid na siya ng kumunoy.

Katas

Ang political drama ay inaasahang magsisimula na bago matapos ang unang buwan ng 2017.

  • Pagsusulong sa panukalang federalism of government ang pangunahing adyenda ng kongreso. Malabo pa rin ang maaasahang resulta.
  • Issues regarding illegal drug trade war, human rights and EJK ay magiging sangkalan ng mga kilos protesta tungkol sa liderato ng pangulo.
  • Karaniwang magaganap malapit sa University belt. Sa Claro Recto Ave at Mendiola Street na malapit sa Malacañang ang senaryo.
  • After about 20 months nakatakda ang mid-term elections. Lulutang na rin ang kakayahan ng LP as leading opposition party at ang tinutungo ng bayan sa kasalukuyang gobyerno.

Kasabihan

Kalawang ang karaniwang nakakasira sa bakal.

Paunawa: Ang mga paksa at salitang nakasaad sa Pilantik ay sariling opinion ng may-akda at maaaring hindi opinion ng mga taga-lathala ng Pilipino Express.

 Have a comment on this article? Send us your feedback