
Opinions
![]() |
Hulyo 1 - 15, 2011 |
Good news at bad news ang announcement ng Manitoba government tungkol sa pagtataas ng minimum wage na magiging $10 na simula sa October 1, 2011. Good para sa mga may trabaho. Bad sa mga matatanggal kung magbabawas ng empleyado ang mga may negosyo. Naku, timing ‘yon sa Oct. 4 provincial elections. Good news pa rin ang plano ng MPI na babaan ang kanilang rates sa susunod na taon at ang balitang bumaba ang bilang ng mga natikitang kaskaserong tsuper. Bad news sa City na nabawasan ang delihensiya. Manitoba Liberals need a new leader. Gumising at magkaroon sana ng interes ang mga nakinabang noon sa partido. Pangunahang itindig at mapasigla ang partidong kulay pula, pamalit ng mga ayaw na sa orange at blue. US Pres. Barack Obama and Canadian PM Stephen Harper ay nagbabawas na ng mga sundalo sa Afghanistan. Buti naman, malaking pera ng taxpayers ang nagagamit sa pagpatay ng kapuwa natin. Sa Pilipinas. Binalita ng reporter mula sa Batangas City na si Vilma Santos ay “nakain” ng isda. Maraming nagulat dahil ang gobernadora ay napanood nila sa TV na “kumakain” ng isda, hindi siya “nakain.” Ala-ey, nadiskaril na naman ang Tagalog. Ayon kay Michael Ray Aquino, hepe ng noo’y Presidential Anti-Organized Crime Task Force, “Wala akong kinalaman sa Dacer-Corbito murder case.” Ibig ipahiwatig, may ibang dapat papanagutin? Abangan ang bagong drama. Dahil sa nangyayari ngayon sa West Philippine Sea, naalala ko ang isang kuwento: Nagtalo ang isang pandak at isang matangkad na lalaki. Madada si Pandak. Nainis si Tangkad kaya hinamon ng away. Sagot ni Pandak, “Sige pag-laki ko…” “Naku, bansot, ganyan ka na lang!” agaw ni Tangkad. “Teka, tatawagin ko si Uncle, matangkad din ‘yon,” sabi ni Pandak. Sa dakdakan nga may laban ang Pilipinas sa China. Nariyan, ang mga tauhan ng two communication factions ni PNoy. Balay at Samar. Bumanat na nga eh gayong DFA ang dapat pumapel. Sabi nga ni Senate President Enrile, “Hoy, dahan-dahan.” Ipagpapalit kaya ng China ang kanilang matatag na kabuhayan sa arm conflict na maaaring mangyari sa karagatang inaangkin ng Beijing? Marahil hindi. Pero nagbabala ang Beijing. Huwag makisawsaw ang US sa South China Sea issue. Sagot ng Washington, “Aba, tutulungan namin ang Pilipinas.” Mula noong June 28 hanggang July 8 ay may war-practice ang mga sundalong Filipino at Kano sa Sulu Sea. Ang China at Vietnam naman ay nabalitang magdadaos din ng war-drill simula sa July 1st. Sa sports, naghahanda dahil may laban. Ang China at US ay may plano kayang magsalpukan? Philippine-US Friendship Day ang ika-apat ng Hulyo mula nang ideklarang June 12th ang Philippine Independence Day. Amerika pa rin ang takbuhan ng mga nagiging eskuwater sa Palasyong malapit sa mabahong Ilog. Ang pork barrel na ugat ng corruption ay dinagdagan pa ngayon ng mga alipores ni PNoy sa kongreso. Sino ngayon ang maniniwala na ang Pilipinas ay magiging corruption free? Good news ang palagay ng marami na si PNoy ay honest. Bad news ang ayaw niyang makatanggap ng pangit na balita mula sa official family members. Sinabi noon ni PNoy, “Kayo ang Boss ko.” Ang pababang approval ratings, ayon sa survey ay pahiwatig ng kaniyang mga boss. Hindi siya dapat mapikon. Karagdagang pakitang-gilas sa pamamahala ang kailangan. Ang ekonomiya ng Pilipinas ay maganda daw nang kaniyang iniwan, iyon ang sabi ni Gloria. Totoo ito para sa kabuhayan ng mga alipores niya; pero hindi sa maraming mamamayan na parang manok, “isang kahig isang tuka.” Madalas kahig ng kahig, wala ring matuka. Ang wastong pamamahala ni PNoy ay kinaiinipan na rin daw ng mga negosyante? Naku naman, naiinip na sila. Aba, hindi superman si Noynoy na maaayos sa loob ng isang taon ang bangkaruta at baon sa utang na gobyernong iniwan sa kaniya ng Arroyo administration. Kahit si Gloria ay nagsabing, “I am sorry,” sa nangyaring dayaan noong 2004 elections. Nasa COMELEC pa rin daw ngayon ang mga “Hello, Garci” officials? Bakit nga naman, kailangan din ba sila sa halalan sa 2013? Nasa batas ng kalikasan – law of gravity – ang pataas at pababa ng mga bagay at pangyayari. Tulad ng ngayon ay tila lower approval ratings ni PNoy. Naabot na kasi ang pinakamataas, kaya pababa naman. Paquito Rey Pacheco worked for 21 years in Philippine radio broadcasting. He is a former PRO for Radio in the Office of the Secretary of Philippine National Defense and former Chairman of the Rural Broadcasters Council of the Philippines. He was a reporter for Bagong Buhaynewspaper. In Winnipeg, he was the News Director of Good Morning Philippines for 13 years on CKJS Radio 810 AM. E-mail: frpacheco@shaw.ca |
1