Eh Kasi, Pinoy!
Mayo 16 - 31, 2013Ni Paquito Rey Pacheco
Ang panukalang PST tax increase ng gobyernong NDP ni Greg Selinger ay mahinog kaya sa pilit? Kung mangyayari, maituturing na supalpal sa mga kontra na tulad ng provincial PC, Canadian Taxpayers Federation, Canadian Federation of Independent Business at Winnipeg City Council. Abangan.
Ang ulat na 16 trillion dollars ang US Federal debt at hindi maiiwasang patuloy na imprenta ng American money ay hindi kailangang ipagwalang-bahala. Lahat ng mga bansang nakatali ang kanilang currencies sa US dollar ay tiyak na madadamay sa mga negatibong epekto.
Tataas ang taxes. Bulsa ng taxpayers ang tiyak na pagkukunan ng gobyerno sa mga gastusin. Malamang magkaroon din ng unemployment problems. Sana hindi mangyari ang aking perceptions.
Muling nangibabaw ang senaryo ng patayan, korapsyon at nepotismo sa nakaraang congressional at local elections. Hindi naiwasan ang laglagan ng magkakasama sa koalisyon na ang punto – bawat isa ay naglalaway sa pork barrel.
Walang iniwan sa pelikulang cowboy. Sila-sila ay nagpapatayan nang makita ang hinahanap na kayamanan.
Same problems. May mga presinto na ang kanilang mga pangalan ay nawala sa dating pinupuntahan para maka-boto. Nasayang ang kanilang panahon.
Si Mayor Alfredo Lim ang nalatayan ng ginawang pagtanggi ni PNoy sa kahilingan ng labour sector na nagsagawa ng malaking protesta sa lansangan ng Maynila noong labour day.
Lalong lumawak ang agwat sa pagkakahati-hati ng sambayanan. Hindi kaagad maghihilom ang sugat na nalikha sa kalooban ng mga natalo sa halalan.
Sa kabila ng mga pumalpak na makina, OK naman daw ang nakaraang eleksyon, ayon sa Comelec. Kahit sa mga alegasyong namili ng boto ang mga kandidato ng LP-lead coalition, ok pa rin ba?
Batay sa resulta ng halalan, ang mga survey ba should be trusted or trashed? Alin man kina Loren, Chiz at Alan ang ibinalitang maaaring number one. Nalakdawan sila ng anak ni FPJ na si Grace Poe.
Ang isyu ng dynasty ay hindi tumalab sa mga Aquino, Binay, Erap, Marcos at iba pang maliit na pangkat ng mga politiko sa lokal.
Sana kalimutan na ang mga hinanakitan. Unahin ang tungkol sa kagalingan ng mga mahihirap. Hindi ang pagbawi sa mga nagastos. Karaniwang mamamayan ang napag-iiwanan ng sinasabing economic growth.
Ang usapin at pangako ng gobyernong Aquino sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita ay nananatiling nasa papel pa rin. Naku, maawa naman kayo.
Nakakalungkot ang ginagawang pagtrato ng gobyerno sa OFWs. Turing pa naman sa kanila ay mga “bagong bayani.” Napapabayaan sila sa mga hinihiling na serbisyo.
Pakiramdam ni PNoy sa nakaraang ASEAN summit ay nakuha niya ang suporta ng mga kasapi sa hinahangad niyang territorial and maritime disputes sa West Philippine Sea (South China Sea). Hindi yata. Binasura ng China ang mga pa-kulo ng Malacañang kaugnay ng nakaraang Brunei meeting.
Walang iniwan sa nabasag na bula ang resulta ng mga foreign trips ni PNoy at kaniyang mga kagawad ng gabinete na ginastusan ng milyon-milyong pera ng mga boss ni Noynoy. Ang Pilipinas ay nabalitang the lowest foreign direct investment inflows among the Asean countries. Hindi makausad. Pinakamataas din ang grado sa unemployment. Isang dahilan ng mga investor ang kawalan ng pang-matagalang patakaran ang gobyerno.
Nabangkarota ang SSS. Tulad ng power crisis sa Mindanao. Napabayaan sa nakaraang mahigit tatlong taon ng Aquino Administration. Mungkahing remedyo ngayon ng mga bright minds ni Noynoy ay “hike the contributions.” Aba, karagdagang pabigat po ‘yan sa mga may negosyo, lalo na sa mga pribado at kanilang mga empleyado.
Ibinalita ng NFA na aangkat ng bigas na ang katumbas ay 187,000 tonelada. Kailan lamang sabi ng Department of Agriculture na magluluwas ng bigas ang Pilipinas. Ano ba ‘yan? Alin ba ang totoo? Import or export?
Sinara pagkatapos sinabing bukas pa rin daw ang peace talks sa CPP. Ano ba yan? Ang isyu ay lumubog-lumitaw sa nakaraang mahigit na 50 taon ng apat na administrasyon. Walang iniwan sa kamay ng sanggol na tinuturuan ng close-open?
Maituturing na ang nakaraang eleksyon ay repleksyon ng liderato ni PNoy.
Paquito Rey Pacheco worked for 21 years in Philippine radio broadcasting. He is a former PRO for Radio in the Office of the Secretary of Philippine National Defense and former Chairman of the Rural Broadcasters Council of the Philippines. He was a reporter for Bagong Buhay newspaper. In Winnipeg, he was the News Director of Good Morning Philippines for 13 years on CKJS Radio 810 AM. E-mail: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.